Tirik ang araw sa bayan ng Sanip kaya't nagtampisaw sina Juan at Maria sa ilog. Sumama rin sila Pedro at Monching; sina Felgario at Montessa; sina Dodong at Sunay. Ligo, banlaw. Ligo, banlaw. Unti-unti silang dumadami kaya't ang ilog ay unti-unti ring dumudumi. 'Di ito alintana sa kanila kaya't tuloy lang sila sa pagtatampisaw na para bang bawat lublob sa ilog ay siyang paghahanap ng sagot sa mga katanungang sa simula pa lang ay kaya na nilang sagutin; ngunit ayaw lang nilang tanggapin.
Dumating din ang araw na hindi na sila maaaring magtampisaw sa ilog. Kasing itim na ito ng kaluluwa nila; ngunit walang may gustong linisin iyon. Marami nang sumubok, pero wala namang nagawa kundi titigan lang ang mga dumi na makipaglaro sa tubig.
Nag-antay sila ng mahabang panahon para may magkusang-loob na manguna sa paglilinis, ngunit wala pa rin. Dumumi na rin ang paligid at nagkaroon ng epidemya. Naging desperado na ang mga tao sa paghahangad ng kalinisan, ngunit wala pa ring may gustong magtrabaho para dito.
Napakaitim na ng Sanip ngayon. Bulag pa rin ang mga tao sa pagpili ng taong magsisimula ng pagbabago. Sa totoo lang, hindi nila kailangang pumila o mag-antay. Alam na nila iyon sa simula pa lang. Nasa kamay nila ang kalinisan; nasa kamay nila ang pagbabago. Takot lang silang mabahiran ng dumi ang mga kamay nilang iyon. Alam nilang kahit sinong manguna sa pag-lilinis, kung walang may gustong magsimula sa sarili nila ay walang patutunguhan ang lahat. Pero wala eh, gano'n talaga sa Sanip.
Ay baliktad pala. Parang mga utak nating mga Pilipino ngayon. Bansa nga pala; hindi bayan. 'Pinas' nga pala; hindi 'Sanip'.

[ Sinulat ko 'to no'ng May 5, 2016. Alas-tres na yata ng umaga no'n at 'di pa rin ako makatulog. Nilaan ko na lang ang oras sa pagbuo ng kwento since malapit na rin ang eleksyon no'n. 9 AM ng May 6, 2016 nang pinost ko 'to sa Facebook para magsilbing gabay sa ninanais ng karamihan na 'pagbabago' na nasa kamay lang talaga natin. :) ]
No comments:
Post a Comment