Wednesday, May 18, 2016

Paradox

Dahil ang buhay ay walang katapusang pagtatanong at paniniwala. Hindi ito katulad ng papalubog na raw sa dapit-hapon na maaasahan mong babalik pagsapit ng umaga.

Walang kasiguraduhan.

Palaging maiipit sa tanong na paano at bakit.
Mabubuhay sa walang katapusang pagtatanong at sa walang hanggang paniniwala— na palaging may pagbabalik sa bawat pag-alis, na may pagbati sa bawat paalam, na palaging may ngiti sa bawat pagluha, na palaging may posibilidad sa pagkakataon, na palaging may magbubukas sa bawat pagsara. Palaging may kasama ang isa pa.

Hindi maaaring wala.

Palaging may oo sa bawat paghindi, tama sa mali, Malabo at malinaw. Kailangan mo lang kumapit sa mga bagay na minamarapat mong paniwalaan.

Kailangang maniwala sa tinitimo ng puso.
Dahil ganoon ang buhay; palaging bumubuo ng posibilidad ang bawat pagtatalik ng paniniwala at pagtatanong.

Natatapos lang ang pagtatanong at posibilidad kapag tumigil ka sa patuloy na pagsubok.



Angelica Diano Morante

via The Artidope

No comments:

Post a Comment

Small Tornado